Michael Fajatin officially leaves GMA News

By MediaNewser.com | Tuesday, November 17, 2015

Longtime GMA-7 reporter Michael Fajatin has officially ended his professional relationship with the Kapuso Network.

"Malugod ko po na ipinapaalam sa aking mga kababayan na ako po ay hindi na magpapatuloy bilang mamamahayag sa GMA NETWORK INC. na aking buong pusong pinagsilbihan ng humigit kumulang dalawang dekada sa pagsulong ng Serbisyong Totoo para sa ating mamamayan," Fajatin wrote on his Facebook account. "Ako po ay magsisimula na sa panibagong yugto ng aking buhay para punan ang mga pagkukulang sa aking personal na mga responsibilidad. At sa patuloy na paghahanap ng kahulugan at kabuluhan sa aking pagkatao at pakikipagkapwa-tao."

Fajatin joined GMA-7 in the early '90s as a segment producer for Arnold Clavio's now-defunct public affairs program Emergency. He eventually climbed the ranks and became an on-cam reporter for the news magazine program Brigada Siete. Most recently, Fajatin served as co-host of GMA NewsTV's now-defunct morning show Kape at Balita.

Prior to being a Kapuso, Fajatin worked as a reporter for RPN-9, and as a proofreader for The Daily Globe.

Read his full Facebook post after the jump...

Malugod ko po na ipinapaalam sa aking mga kababayan na ako po ay hindi na magpapatuloy bilang mamamahayag sa GMA NETWORK INC. na aking buong pusong pinagsilbihan ng humigit kumulang dalawang dekada sa pagsulong ng Serbisyong Totoo para sa ating mamamayan,

Ako po ay magsisimula na sa panibagong yugto ng aking buhay para punan ang mga pagkukulang sa aking personal na mga responsibilidad. At sa patuloy na paghahanap ng kahulugan at kabuluhan sa aking pagkatao at pakikipagkapwa-tao.

At sa aking paglisan bilang kapuso, ipinapaalala lamang sa akin nito ang paniniwala, na ako rin ay inyong kapamilya at kapatid.

At sa lahat ng pagkakataon ay kadamay sa mga pinagdaraanan ng ating bansa, katuwang sa pagtataguyod ng mga adhikain na magpapabuti sa kapwa, kapanalig sa anking galing at kakayahan ng ating mamamayan, kasama sa mga lalaban kontra katiwalian, kabalikat sa mga pangangailangan sa bawat trahedya, katulong sa mga oras na tayong lahat ay pinanghihinaan, kaakibat sa paghanap ng solusyon na inaasahan sa bawat isa sa atin, anuman ang ating kalagayan sa ating lipunan. dahil ito ay likas sa ating dugo, matibay na tibok sa ating puso at tunay na katauhan, katangian at kaluluwa, ng bawat isang kapwa ko Pilipino.

Maasahan niyo po na Magpapatuloy ang aking serbisyong totoo, sa pinakamamahal na Bayan ko.

Malugod ko po na ipinapaalam sa aking mga kababayan na ako po ay hindi na magpapatuloy bilang mamamahayag sa GMA NETWORK...
Posted by Michael Fajatin on Monday, November 16, 2015


Photo courtesy of GMA-7

No comments:

Post a Comment